Naisip ko na may mass recruitment ang Dead Daddies' Society noong nakaraang linggo. Ilang kaibigan at kakilala ko rin ang namatayan ng mga tatay.
Yung isa, biglang nakadama ng pagakahilo at panghihina mga isang oras bago nya nabalitaan na namatay na tatay nya. Natandaan ko tuloy ang naramdaman kong pagkabalisa noong araw din na namatay ang tatay ko.
Premonition? Ewan kung may siyentipikong paliwanag dito. Baka naman masagot ng Fringe (ang bagong TV series na kinahuhumalingan ko) ang tanong na ito.
Sa huling post ko, nangako ako na babalik sa blogging. May mga pagkakataon din talagang mahirap tumupad sa pangako.
Tulad na lang ng pangako ni Angelo kay Yna sa Pangako Sa'Yo. It took eight DVDs with six volumes each and each volume has about five 30-min episodes bago natupad ang pangako nya. Nakakangalay ang mag fast forward. In the end, si Yna pala ang tunay na Buenavista at si Angelo ay anak ni Diego na hindi rin naman pala Buenavista.
Still, gwapo nga si Jericho.
Sabi ni Oracle, "one cannot see beyond the choices he fully understands". Pero one cannot also have full understanding of the choices he makes until the process takes its course.
Hindi ko alam ang relasyon nito kay Yna at Angelo. Naisip ko lang.
Sabi ng isang kaibigan ko sa akin dati: "if you had a wife, she'd be your mistress".
Ito ay matapos ang ilang beses na hindi ko nagawang paunlakan ang paanyaya nyang magkape o kumain sa labas. Maraming kailangang gawing trabaho.
Buti na lang, bakla ako.
May mga tao ba talagang manhid?
May hinihintay ako.