Maraming pwedeng mangyari sa loob ng isang buwan. Maari nang tirhan ng alien molds ang naiwang kape at mag-amoy ipis ang hindi sinindihang yosi.
Pwede ka ring magka-crush, lumipas ang crush, magka-crush ulit sa dating crush hanggang dumating sa punto na sobrang diluted and nonsensical na ang salitang ito and it has become similar to saying "I love you" while you are reaching the peak in a one-night stand. Or a one-hour stand.
Sa loob ng isang buwan, pwede ka ring mawalan ng ganang mag-bate: mag-bate ng mga topics, pigain ang sarili at write them into a piece that can make sense of your jumbled thoughts. It's much easier to write about women's day, the murder of Rebelyn and even the irresponsible charge that Filipinos are 'Superbug' carriers than compose your thoughts on what you have done for the day.
Kaya marami kang unfinished drafts na pinaglipasan na ng lasa kaya ayaw mo ng tapusin. Pwede ka ng magpa-gimik ng choose your own ending.
Pwede ka ring maka-byahe sa loob ng isang buwan. You will like the place. It's serene, has no high-rise, walang nakakabaliw na traffic at maraming nakakabaliw na lalaki. Then you'll realize that it is more artificial than Hong Kong especially when you hear of the crackdown against Burmese migrants or the gay-bashing of a group of thugs during Gay Pride that did not even solicit a reaction from the powers that be. Doon, tago at ibinubulong ang mga bagay na dapat ay pinag-uusapan in the open at isinisigaw sa lansangan para malaman ng lahat.
Also, mare-realize mo rin na malagkit ang magpa-aromatherapy massage especially kapag hindi lang langis ang naipahid sa'yo..
In a month, you'll realize that you have only one more month to go before you can again take the jeepney.
Pagkatapos din ng isang buwan, pwede ka na ulit mag-timpla ng kape sa bagong mug at magsindi ng bagong yosi.
Then you'll realize na masarap pa rin ang mag-blog.
14 comments:
waiting for that fresh brew... missed yah
malagket yung minasahe. aromatheraphy nga kaya yuN. nag quickie ka noh? isang oras? aminin. at least. enjoy. happy for ya.
may palagay ako nagkaroon ka ng karelasyon kaya ka hindi nagparamdama noh?
hehehe...
welcome back!
miss u ate aa, magkwento ka naman. hihi.
i'm sure may nangyari, parang bumalik ang sigla mo sa pagsusulat. char!
happy ending, ikaw ba yan? it's great to have you back, p're... na-miss kita, este, ang blog mo pala, promise! hehehe!
Ikaw ay aming na-miss. Maligayang pagbabalik.
ay ang mysterious naman ng post na ito.
tsaka, who are you reaching out to sa profile pick mo? parang may hibo ng libog...
tagal mo nga ding nawala. it's good to knwo you're back.
miss ko na rin blogosphere ... at kiel, ikaw ang inaabot ko dyan. charot! hehehe
nasan ang pasakalye...? hehehehe
buong buo ang thought ng post :)
nakakaadik ang blog mo... pwomiz
Has it been a month already?
BUSY ka kasi lagi....
So the next time I'll hear from you is Spring time na?
ang daming nagyari ah... hehe!
you've been busy obviously :P
masarap talagang mag-blog. kasama na sa sistema ko to.
peace out!
ps: ngayon ko lang narinig ang one-hour stand. ehem ehem
i sense something deeper behind this post. seems to me that a quarter-storm-like month passed you by and you came to your senses and wrote all this down. :) nice post. it makes me think.
thanks for being part of my blog world. kip n' tuch! :)
andaming nangyari..
at least hindi ka nabawasan. =D
tama ka,pagkatapos ng mahabang pagkawala.
masarap pa ring magblog.
Post a Comment