Saturday, October 31, 2009

Araw ng Patay

Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam ang distinction between Halloween, All Soul's Day at All Saint's Day. I-google ko na lang siguro mamaya.

Basta ang alam ko eh Araw ng Patay ang November 1.

Noong bata pa ako, excited ako kapag Araw ng Patay. Hindi dahil ako ay morbid kundi dahil bata pa ako.

Tingin ko, ginagawa talaga ng matatanda na something to look forward to ang November 1 para sa mga bata. Sino ba naman kasing bata ang makaka-appreciate at hindi matatakot kapag sinabi mong may araw ang mga patay?

Reunion ng mga magkakaanak ang Araw ng Patay, minus the namatay syempre. Picnic ang kinakakalabasan complete with latag sa ibabaw ng nitso ng kung anu-anong mga pagkain. Kwentuhan ang mga matatanda na ironically ay hindi ng tungkol sa binisitang patay (kahit araw nya, in the first place) habang naghahabulan sa sementeryo ang mga bata. Madalas, nagpapaligsahan pa kaming magpi-pinsan sa paggawa ng pinakamalaking bola mula sa tinipong candlewax na iba't iba pa ang kulay. Bantay talaga sa natutunaw na mga kandila habang akala mo ay seryosong binibigyang pugay ang nitso sa harapan.

Mas masaya actually ang gabi ng October 31 o gabi ng November 1. Totoo na walang trick or treat sa amin noon complete with costumes pero merong caroling. Pilit kong inaalala ang kinakanta namin noon pero hindi ko na mabuo. Heto lang ang mga parts na tanda ko:

"Kaluluwa'y dumadatal, sa tapat ng durungawan

Kampanilya'y something-something, ginigising ang maybahay

Maybahay pong inang ibig

La-la-la-la, higit sa langit

Araw-gabi ay tahimik, chika-chika nyong malapit

Kung kami po'y lilimusan, dali-dali na pong bigyan

At baka kami'y masarhan ng pinto ng kalangitan.

Palimos po!"

Yan ang kinakanta namin kapalit ng piso o singkwenta sentimos. Understood na namin na pag Pasko lang malaki ang kita sa caroling.

Sayang, kung may ganito rin sanang practice sa Hong Kong, mas malaki ang kita ng mga bata dahil dalawa ang Araw ng Patay dito. Isa para sa lalake at isa para sa babae.

I know! Paano tayo?

5 comments:

blagadag said...

baka paniwala nila, hindi namamatay ang mga bading. nagiging zombies? lol.

beans said...

ganun ba sa hongkong?weird ha. at napatanong ka talaga sa huli. haha

kiel estrella said...

either tama si blagadag na di tayo namamatay or because di tayo nanlilimos?!

Yj said...

"Reunion ng mga magkakaanak ang Araw ng Patay, minus the namatay syempre."

pano nga kaya kung yung mga yumao nalang ang dumalaw sa atin hahahahaa

@ Blagadag... true... hahahaha

@ Kiel... hindi tayo nanlilimos ng pera... pero ng pag-ibig... ewan ko hahahahaha

Bryan Anthony said...

may solution dyan

if you are top- sa araw para sa mhin
if you are bottom- sa araw para sa gurl
if versa- (malamang bottom ka talaga, nag jijinarte ka lang) so sa araw ng gurl

woof!