Thursday, October 29, 2009

X Problem

Actually, wala naman talagang problema.

Dahil naniniwala naman akong pwedeng maging magkaibigan ang mag-ex. Though you also have to consider din the manner of the breakup. Kung halimbawa eh may breach of trust. Mahirap din naman i-kunsidera na kaibigan ang isang tao na hindi mo pinagkakatiwalaan. Kahit pa nga hindi absoluto ang pagtitiwala, friends are ones you trust more than, for example, the man you met at the bar last night.

Wala naman kaming pinag-awayang matindi kaya kami nagkahiwalay. Like many immature relationships, we just drifted apart. Sana man lang may big fight o may dramang naganap para kahit paano eh masabi kong nahinog ang relasyon. Nahinog tapos nabulok, ganun.

Pero wala eh. Iba ang dinaanan nya at iba rin ang dinaanan ko. Unfortunately, never did the twain meet.

Wala naman sana talagang problema dahil we've both aged. At gracefully ha sa kaso nya kung picture ang pag-uusapan. Pero syempre lampas pa dun, I'd like to think that we've matured mentally and emotionally.

Wala naman sana talagang problema dahil kumportable naman ako sa sarili ko at mukhang masaya din naman sya sa buhay nya.

Wala naman sana talagang problema na i-add ko sya as friend sa facebook.

Madali sanang gawin. Kung bakla lang sana sya.

9 comments:

Abou said...

off limits sa akin maging friend ang isang ex.

pero sa kasong yan, i don't see any point kung bakit di kayo pwede maging makaibigan

:-)

mel beckham said...

ate AA, i hope everything's gonna be fine. marami pang isda sa dagat.

i-add mo rin ako sa pesbuk. hahaha

blagadag said...
This comment has been removed by the author.
kiel estrella said...

friends naman tayo, ah.

chos.

Lyka Bergen said...

Bakla naman si Kiel ah?

Mico Lauron said...

Nablanko utak ko sa mga comments nila. Pero, like Abou, off limits na maging friend and EX. There are some exceptions tho. Cguro mga tatlong tao lang. The rest? They're history. Hahaha!

Boying Opaw said...

Ang kulit ni Kiel at Lyka Bergen.

Meron akong nakitang post dito: the Bonsai Hunter. Maganda.



JTSS,
Boying Opaw

Yj said...

aaaaaaay megaknown?

musta naman ang pag-uwi mo noon friend at kasagsagan yata ng ondoy?

The Zen Bitch said...

ay...