Monday, December 15, 2008

Ayokong magmura, pero …

Namputcha naman!

http://www.tribune.net.ph/commentary/20081215com1.html

Nang mabasa ko ito, hindi ko napigilan ang mainis. Hindi lang ito simpleng gimik. Walang kahihiyang panloloko na ito.

Sa mga susunod na buwan eh nanganganib na mawalan ng trabaho ang libo-libong mga OFWs. Ang balita nga, mahigit 1,000 pa ang mapapauwi mula sa Taiwan ngayong buwang ito. Sa Macau ay may 500 na ang natanggal sa trabaho sa construction sector at may mahigit pang 12,000 na migrante ng iba't ibang lahi na nagta-trabaho sa casino ang hindi na raw ire-renew ang kontrata. Meron pang 500 sa property sector naman sa UAE ang nawalan na ng trabaho.

Kung sa kada 100 mapapa-uwing OFW ay magpapa- photo-op si Gloria, sana ay tamaan na sya ng kidlat sa pagiging sinungaling.

***

Namputcha naman ulit!

http://www.facebook.com/inbox/?ref=mb#/group.php?gid=42044632270

Ilang linggo ko na ring nababasa ang hinggil sa isyu na ito: ang pagkakait ng tenure ng Sociology Department ng College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) ng UP Diliman kay Prop. Sarah Raymundo.

Ni ha ni ho ay walang sinabi ang puno ng departamento kung bakit. Basta na lamang sinabihan si Prop. Raymundo na hindi na nya kailangang magturo simula noong Nobyembre 6 at matatanggal na sya sa unibersidad pagkatapos ng kanyang kontrata sa Marso. Sampung taon ng nagtuturo si Sarah sa UP at naabot na nya ang mga rekisito para maging tenured faculty – may MA, magandang ebalwasyon ng kapwa-guro at estudyante, at may mga na-publish na sa mga kinikilalang journals.

Dahil wala namang iba pang maibigay na rason, simple lamang ang pagsusuri ng mga kapwa-guro, kaibigan at kasama ni Sarah: aktibista kasi sya.

Malayang kaisipan sa malayang pamantasan. Diba? Diba?!

Sa personal na antas, kilala ko na si Sarah noong estudyante pa lang sya. CNS sya at LFS ako. Kabatak, kaibigan at kasama. Bakla sya kung baklaan ang usapan pero hindi rin sya umuurong sa seryosong mga talakayan.

Ano na ba ang nangyayari sa UP Diliman?

***

Pagkatapos ng aking mga rants, Pride naman.








Wagi sya. Yun lang. Sa susunod na Pride March ulit …

(Salamat kay Kiks sa pagpapahiram ng larawan)

14 comments:

Abou said...

parang gusto ko rin mag mura. kahit imposible, sana maresolba na ang lahat

Mugen said...

Ito ang dahilan kung bakit masarap magbato ng p-i sa ere.

Maraming OFW ang mawawalan ng trabaho sa ibang bansa, samantalang cha-cha ang inaatupag dito sa ating bansa.

p-i talaga.

kiel said...

di ka pa ba napapagod? ako, i'm tired of hating gma.

jericho said...

@abou: sana .. :)
@mugen: masarap ding mambato ng sapatos .. hehe
@kiel: hindi. kung sya hindi napapagod sa kalokohan nya, why should i get tired of hating her? kahit pa malapit na ang pasko .. hehe

the donG said...

hirap ang mga ganitong problema. isipin mo na lang yung mga taong may binabayaran pang bahay or palupain or yung mga umaasa lang sa mga kababayan natin. sana ng maresolbahan na.

mel beckham said...

Gusto ko rin siyang batuhin ng sapatos but then again she doesn't deserve my shoes. Ebak na lang.

wanderingcommuter said...

tskrsk...


nakaka agite!!!

dabo said...

they are pretending that everything is cool here...the gov't is hallucinating.

but i'll take the part of the blame. i voted for her.

Lionheart : Richard the Adventurer said...

Well, ganyan talaga...

Kakapagod na mga isyung ganyan...

Isa sa pinakamasaklap sa lahat, damay ang Ate ko na nawalan ng work. Waaah!

FerBert said...

PUTANGINA! ako na lang magmumura para sayo.. ikaw na bahala sa rally ako na ang magmumura.. :P

jericho said...

@dong: worse is yet to come nga daw. haay
@mel: hahaha. sapatos na nakatapak ng ebak?
@wandering: yep!
@dabo: still it's not too late .. ;)
@lioneart: tsk
@Fb: salamat! hehe

The Zen Bitch said...

kung ganyan ang mga nangyayari... okay lang mag-mura... sabayan pa kita, gusto mo?

KRIS JASPER said...

This global economic recesssion is really affecting us all.

GOOD THING I AM ONLY 24 y.o

(talagang gusto ko lang isingit yun...)

seriously, Thanks for wishing me well yesterday.

Hope this season will bring you MORE blessings!

sendzki said...

gusto ko lang talaga ata hantingin si gloria