Nang mabasa ko
ito, marami na akong gustong gawin.
Gusto kong sumigaw kahit pa magtaka ang mga kapitbahay at sugurin kami.
Kahit paano, malaman ng iba ang nangyari. Basta kahit paano, ma-kondena ko kahit saglit ang ginawa sa kanya.
Gusto ko ring tawagan ang kanyang ina na nakilala ko sa ilang araw na pagtigil sa Pilipinas noong Oktubre. Narinig ko ang kanyang kwento. Nakita ko na sa likod ng kanyang tapang ay naroon pa rin ang takot sa maaaring kinahinatnan ng anak na noon ay halos dalawang taon nang nawawala.
Sa isang sandali, naisip ko rin na itatak na lamang sa utak ang nangyari. Katulad ng marami nang kwento at balita. Isa lang sya sa marami pa.
Gusto ko rin sanang umiyak. Tulad noong hindi ko mapigilan ang lumuha nang una kong mapanood ang bidyo ng “Sa Ngalan ng Tubo”. Tungkol sa mga manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita na minasaker dahil sa pagtutol sa P9.50 na sahod sa kada araw ng pagta-trabaho.
Kaso, mukhang ayaw ng mata ko. Mas nangingibabaw ang ngitngit. Mas lumalalim ang galit.
Nang sundan ko ang kwento hanggang dito, nag-desisyon na lang akong isulat ito.
Hindi ko sya kilala.
Matagal na akong wala sa unibersidad nang tumuntong sya sa kolehiyo. Pareho man kami ng daang tinahak, hindi kailanman nagtagpo ang aming landas.
Hindi ko nga sya kilala. Katulad rin naman na hindi ko kilala si Karen. O si Cris, o si Ambo. Sa mahigit 900 pangalan at dagdag pang 200 pinaghahanap, isa o dalawa lamang yata ang aking nakita sa personal.
Pero hindi naman yun ang mahalaga.
Marami akong gustong gawin pagkatapos ko syang basahin. Sa huli, nagpasya na lang akong ituloy ang ginagawa ko.
Maiintindihan din nya ako.
3 comments:
hi uli aaron. may bago nang balita hinggil sa bangkay, pero di ko pa siguro puwedeng ipamalita, baka mapangunahan ko ang karapatan at up.
anyway, ililink kita sa blogsite ko ha. =)
kenneth
http://krguda.wordpress.com
aarrgghhh!!!!
grabe nakaka-agite naman.
@kenneth: sure. i'll watch out for your updates
@wandering: yes. sobra.
Post a Comment