Tinanong ako ng kaibigan ko, in English dahil
maarte kaming mag-chat: “why are we drawn to men with hang ups?” Muntik ko nang idugtong: “or fall for them.” Pero hindi ko ginawa dahil masyadong ma-drama.
Maraming tipo ng hang ups. Iba’t iba ang hugis, tindi at laki. Para ding mga lalaki. Merong slightly hung, merong well hung at merong hang up ang pag-iisip kung sya nga ba ay hung.
Hindi ko lang alam kung directly o inversely proportional ang hang up sa pagiging hung.
May hangups na malaki at may hangups na maliit. Mayroong relatibong petty at meron din namang halos lumalamon ng buong katauhan. Mayroong bitbit pa simula puberty at meron namang nakuha sa pagla-lamyerda sa buhay-mature daw.
Mayroong hinggil sa relasyon, sa kaibigan, sa pamilya, sa sex, sa trabaho, atbp. Hahaba ito kapag inisa-isa.
Maraming drama ang bakla. Ironic dahil wala sa kahulugan ng salitang “gay” ang drama. Pero sabi rin nga, sino ba namang tao ang walang drama.
Tingin ko, lahat naman ng drama ay may pinagsimulan. Weird kapag nag-emote ka na lang bigla para lang mapaiyak o dahil trip. Parang art for art’s sake lang yun.
At katulad rin ng maraming drama sa buhay, pwede ring ugatin ang drama ng bakla sa kasalukuyang kalagayan. Mahirap kumilos ng labas sa batas at praktika – legal, pulitikal, kultural, sosyal – na itinatakda ng lipunan. Anumang arte sa personal at relasyon ng mga tao ay hinuhugis din ng umiiral sa kapiligiran.
Mahirap nga marahil ang mabuhay na gay and happy. Dahil sa huli, hindi happy ang maging gay sa sitwasyon ngayon. Batbat tayo ng drama sa pag-a-out, buhay ng isang out o ng pagtukoy ng ano ba o paano ang relasyong bakla. Nasa gitna tayo ng diskriminasyon at homophobia na umaabot pa sa puntong katakutan o kasuklaman ang sariling kasarian.
Umiiral din ang pang-aabuso at karahasan sa kabaklaan.
Dahil nga lipunan ang nagtatakda ng buhay-bakla, tingin ko rin ay infectious ang hang ups. Dugtong nga ng kasing-arte kong friend/chatmate, “it’s something that even a condom can’t protect you from.”
Tapos, nakakairita pa kapag naging hang up mo ang taong may hang ups. Hindi ka makapag-isip ng matino. Hindi ka makapag-trabaho ng maayos. Ang plastic ng iyong tawa. Hindi ka makabuo ng coherent thought.
Minsan hyper ka. Minsan naman eh catatonic.
Mas malala kung hang up mo na rin ang hang up nya. Para talagang gremlins na dumadami pag nabasa.
Panghuli, naisip ko rin na hindi totoo na we end up with guys with hang ups. Ang totoo, we go nowhere with them. Paikot-ikot. Paulit-ulit. Iba’t iba lang ang casts.
Pero lahat naman siguro ng hang ups, one way or another, ay pwedeng tapusin – itulog lang ng isang gabi o dumaan sa maraming araw ng pagpupuyat.
O ng pakikibaka kung ang hang up ay ang sistema at lipunan.
Lahat rin naman ng drama ay may ending.
Gaya nito.
15 comments:
basta ako, ma-drama ako. (In a Nicole Kidman way). Sa ayaw at sa gusto ninyo. I, thank you!
emo ka naman yata ngayon?
Masarap sa may hang-up eh ayusin. Sila yung mga tipong kapag naramdaman na mas matigas ka eh sasandal sayo.
On the down side, kakasalo mo sa kanya, ikaw naman ang hindi makapag-express ng sarili mong hang-ups. :(
nakaka-smile ang post na ito! :-)
hahaha! ang galing! ba't nga ba? eh eto nga! karamihan nang aking mga fafa, kung ano anong drama!
@lyka: I know. ;)
@kirs: kinda
@mugen: parang charo santos na hindi maka-express ng sariling emosyon?
@rye: ako mixed. smile na parang hindi. hehe
@reynz: naging drama queen ka rin? hehe
its true
ako din naattract sa mga taong may hang ups
duda ko, yung ka-chat mong yan na maarte, marami ring hang-ups, sino ba yan? ching!
nakaka-umay na nga talaga ang mga hang-ups na ito to the point na maghahanap ka talaga ng achara.
ang hang-ups, hina-hang lang 'yan sa cabinet. para pag naipon, skeletons in the closet. hehehe...
Yung kaibigan ko drawn sa men na may hang-ups kasi feel niyang maging lifesaver. Basta gusto niya yung mga taong damaged kasi feeling niya siya yung super glue na co-complete sa buhay nung mga taong yun.
gusto ko ang last line. tipong pinag-isipan ng maigi. hehehe
@turismoboi: yun ang hang up mo? ;)
@gibo: tama ang duda mo!
@droidz: puno na nga eh ... hehe
@keitaro: christ-complex? kidding! hehe
@mandaya: kailangan nang isara ang post dahil sobrang drama na. lol
iba ang dating ng mga taong ganyan.. ewan ko ba tapos ikaw ang magpaparealize sa kania ng mga bagygay and eventually mababago mo sia n a better way ha...
gusto ko na ng MR!
clap! clap! clap!
veautiful fost!
very true. like for me, if everything is going well i tend to think of sad thoughts. parang all is surreal kasi. maybe that's my way of reminding myself that there is no fairy-tale, and that a happy ending is not about ending up with prince / princess charming. even if you're alone now (insert all by myself ni celine dion) you still have your friends and family. we should be happy with what we have, if we get more, then thank you.
Post a Comment