Wednesday, July 9, 2008

Banci (ban-chi)

Sya si Banci. Ang aming collective aso.

Ilang buwan pa lang sya nang ibigay sa amin ng isang Intsik na may mareklamong kapitbahay. Hindi ko alam ang breed nya pero who cares. Obviously she doesn’t.

Malambing sya. Nang minsang mawala kami ng lampas isang linggo sa bahay at naiwan sya sa ibang kamay, sumabog ihi nya pagkakita nya sa amin.

Hindi sya mahilig sa kanin. Yan ang kaibahan ko sa kanya. Matakaw sya sa dog food. Yan ang kaibahan nya sa akin.

Nang ibinigay sya sa amin, maraming habilin ang huling may-ari sa kanya:
  1. Huwag pakainin ng buto ng manok. Busugin sa gulay at prutas.
  2. Paliguan minsan isang linggo at putulan ng kuko minsan isang buwan.
  3. Bigyan ng gamot para sa puso at para sa tapeworm. Wag kalimutang dalhin sa beterinaryo.
  4. Gamitan ng dog shampoo at dog powder.
  5. Gupitan ng buhok laluna kapag summer.
  6. May kasama syang kulungan pero wag nyo syang ikukulong.
Parang last will and testament.

Ibinigay din nya sa amin ang bag na ito:

Ito ang gamit namin para maisakay sya sa bus, MTR at taxi. Dinadala namin sya sa beach, sa office at sa rally. Ang bakla-bakla ko pag bitbit ko sya dito.

Maraming batas dito patungkol sa mga alaga. Kailangan mo pa ngang palagyan ng chip na nakalagay ang detalye nya at kung sino ang may-ari. Andami ding mga grupo ng lokal na pangunahin eh animal welfare ang programa.

Pansin ng isa kong kaibigan na ex-Hong Kong, mas pinahahalagahan daw ang aso dito kesa sa tao. Naalala ko tuloy yung isang kliyente na syang unang nagpaiyak sa akin. Yung kumakain kasama ng aso. Pag tumae ang aso, kailangan nya munang linisin bago sya bumalik sa pagkain.

Meron din akong nakitang aso na nakasuot ng winter clothes na galing Burberry at worth HK$2,000 daw ang isa.

May punto nga siguro ang kaibigan ko.

*****

Kanina eh sumama ako sa rally dahil pagbobotohan sa Legislative Council ang proposed Race Discrimination Bill. Sobrang walang-kwenta ang proposal na kahit sa papel pa lang eh wala ka ng makikitang tunay na proteksyon laluna sa mga DH na syang pinakarami kung usapin ng ibang lahi sa HK.

May punto nga siguro ang kaibigan ko.


24 comments:

the donG said...

galing naman at sa inyo binigay. sosyal nga lang pala sa pagdating sa pagkain. hehehe...

olan said...

cute naman ng dog. miss ko tuloy si daphne - my dapple dachshund. alagaan mo yan, puede ka rin mg breed nyan isang araw... mapagkakaitaan mo rin. hahaha.

olan said...
This comment has been removed by the author.
Mugen said...

The dog is cute. Pero honga, iba ang treatment nila sa pets jan. Siguro isa yun sa mga legacy ng Brits na namana ng mga Hong-Kongers.

mel beckham said...

'wag nyo pakakainin ng chocolates huh.

Princhecha Fiona said...

May punto nga ang kaibigan mo.

Mico Lauron said...

i missed my dog.. ganyang ganyan din siya. bawal ang chocolates. super.... and try to make sure na rich sa vitamins and minerals ang dog food... chak!

KRIS JASPER VAN DYKE said...

ang cute naman nung aso.

cute...

yan din ba ang kaibahan niyo?
ha ha...




joke lang po.

jericho said...

@dong: true. sobrang arte pa. minsan eh gusto pa sinusubuan.
@olan: hahaha. tama na ang isa.
@mugen: ewan ko ba sa mga hongkees na toh. magmamana rin lang eh hindi pa yung medyo maganda.
@mel: ay talaga?
@fiona: kureks
@mico: gusto mo me beta carotene pa eh.;)
@kris: mwahahaha. kaines to. hehe

Empress Maruja said...

Reminder lang, iwasan ang bawang at grapes. Bawal pala sa aso 'yun.

mel beckham said...

Yes ate, poisonous ang chocolates sa mga aso, according to Kuya Kim. Hihi

MINK said...

ang cuteee nung aso... at sosyal pa ha...

goodluck sa laban ng mga OFW jan sa HK at sana ay magtagumpay kayo... mahirap tanggapin ang katotohanan na mas pinahahalagahan pa ang mga aso kesa sa mga tao...

dabo said...

nakakahiya naman siguro kung nakikipag-agawan ka ng dog food kay banchi..

at nakakahiya kung ikaw ang maiiwan ng isang linggo, sumabog din ang ihi mo sa kabahayan.. eooww!

ahaha

--- --

tama ka, lumalabas nag social tone ng mga sinusulat mo, though hindi subtle this time pero very effective.

dabo said...

natawa ako sa comment ni kris jasper bwahahaha!

at napatunayan ko na mahal nga ni mel si Kuya Kim..he ehhe

gibo said...

ang cute ni banci, parang si aaron. chos!

ps o ayan, sinabi ko na ha.

Lyka Bergen said...

so, ano ang punto? chos!

jericho said...

@empress: salamat sa paalala
@mel: sino bang kuya Kim toh at maraming alam sa aso? ;)
@mink: salamas! ;)
@dabo: mwahaha. hmp! hehe.
@gibo: leche ka. (ulet)
@lyka: mah at pah! .. chos!

Gayzha said...

Banci is sooo cute !!!! You should always take care of him! At least he will always love you too!

Abou said...

hindi pampered mga aso namin he he

pero marunong pala silang lumangoy nung bahain kami ng pagka taas taas

reyna elena said...

welcome sa animal landia hehehehe, aside from me, i have a dog too, shih tzuh, as in prehas lang siguro all rules in HK sa animals. minsan nga gusto ko nang kainin ang dog food. minsan din gusto na ring kainin nang dog ang ulam namen. one of these days, magpapalit at sasanid na kami sa isat isa. magasto ang vet. ang lintek na aso ko mahilig kumain nang toilet paper. ayun bumara sa kanya. cost? $425 sa vet. hmpt!

FerBert said...

ang cute ng aso parang ako.. ahhihihi

mrs.j said...

open for business na ba?

shercat said...

hahaha..good one.love ur entries

Myk2ts said...

kyut ng doggg. naalala ko aso kong si pepe. hay

mabuhay ka kaibigan :)