Marami akong kinarir nang nakaraang linggo.
Nangarir ako ng pagiging tibak.
Buong linggo halos na hindi namin tinantanan ang isyu ng pag-suspinde ng levy. Eh kasi naman, kabuhayan ng mga DHs ang nakataya dahil kung hindi kasama ang ongoing contracts sa suspension, tiyak na magiging sunod-sunod ang termination dahil gugustuhin ng employer na ma-exempt na sa pagbabayad ngayon pa lang.
August 1 ang proposal na magsimula ang suspension. Para na kaming maiihi kung ano ang magiging pinal na desisyon.
At syempre, kasabay pa ito ng SONA na kabit sa bituka ng mga Pinoy sa labas ng bansa. Ayoko nang magpahaba sa kung ano ang tingin ko sa SONA. Marami na akong nai-post tungkol kay Gloria.
Kaya noong Linggo, dalawang magkasunod na rally ang naganap. Sa gitna ng kainitan ng araw eh nag-martsa kami papuntang konsulado at nag-programa ng maigsi. Tapos, bumalik para hintayin ang mga migrante ng iba pang lahi para naman pumunta sa Central Government Office ng Hong Kong.
Nangarir din ako ng pelikula.
Pinanood
ko ang The Dark Knight pero saka na ang review. Basta nag-enjoy ako sa kanya. Ayoko munang pag-isipan kung bakit.
Sa gitna ng muni-muni sa mga kailangang sulatin eh kinarir ko rin ang mga pelikula ni John Lloyd at Bea. Mga mushy pero disente naman. Pinatos ko rin pala ang My Best Friend’s Girlfriend ni Richard at Marian. Marami pa akong kinulimbat na pelikulang Pilipino kasama na ang Dear Heart at PS I Love You ni Sharon at Gabby pero hindi ko pa pinapanood.
Halos puro love story pala ang pinanood ko. Pelikula lang talaga ang love life ko.
In between, may iba pa akong mga kinarir.
Nangarir ako ng librong nabasa ko na. Kinarir ko rin ang aming aso na si Banci. Pinatulog ko sya sa kama ko pero, I swear, wala kaming ginawang masama. Kinarir ko rin ang pag-setup at pag-operationalize ng bagong computer dahil sumusuko na ang 3-year old laptop ko. Kinarir ko ang pagle-layout. Kinarir ko rin ang gym.
Kinarir ko rin pala ang pagtawag sa nanay ko. Miss ko na sya.
Kaya Gibo, hindi pa ako magsasara ng blog.
Naging busy lang sa aking karir.
PS. Tingin ko ay walang sense ang sinulat kong ito. Pero ang alam ko, may sense naman para sa akin ang mga kinarir ko kahit paano.
19 comments:
you are indeed a career girl! Hihi
hahaha busy ka lang kaya ayan kung ano ano laman nang blog entry mo! at least updated ka pa si sa SONAngaling na litanya nang pantasya ni gloria! hahaha!
yesh!
nagbabalik!
bakit parang iba ang kwento mo sa akin na kinarir mo nitong mga nakaraang araw.
nasan na ang endless sex at random dates?
chos!
In between pangangarir ay may random dates at endless sex pala na nangyari?
Post! Post! Post! =p
Very productive and balanced naman ang yung karir! This just proves na di mo kailangan ng lalaki to achieve peace and happiness. Diva?
Ang mahalaga, marami kang na-achieve habang absent ka sa mundo ng mga blog. :)
@mel: working girl! hehe
@reynz: haha. kailagan ko kasi ng bedtime story na pampaantok kaya sinubaybayan ko SONA nya.
@ferbert: na-miss mo ako? charot! hahaha
@gibo: leche ka. yan ang karir mo. hehe
@mel: mwahaha. sige, pag-meron.
@gayzha: siguro sa ngayon eh hindi pa. hehe
@joms: effort ang mag-catch up sa blogging world. yoko nang umabsent ng ganun katagal.. hehe
dami mo kasing kinakareer kaya hayun, yung lovelife mo... nag resign na?
karir kung karir.
hehe.
--
in fairness ang haba ng word verification ko, mas mahaba pa sa supposed to be comment ko sa taas.
kalowka
karirista ka naman talaga ah! karirista ka!!!
pero, ok ang karir mo teh. gusto ko sya. magugustuhan kaya ako ng karirmo?
infernaloo, nde ka busy! nde ko ramdam kung gano ka kabusy the past days noh? parang wala ka masyado nagawa. hihihihi
wow..ang dami mong naaccomplish! parang gusto ka ding panoorin ang dark knight kahit di ako fan ni batman! haha! ang kulet ng trailer ng 'a very special love'..parang gusto ko na ding patusin! hehe! gudluck sa love life, though..ciao!
ang dami mo namang career! lol!
ayos nakakatuwa naman yun :) ei linked yew na po.
@kris: on probation pa lang yun. ;)
@mink: may severe restriction sa'yo? hehe
@bananas: may karir ka na diba? ;)
@fiona: medyo. parang andami kong oras ... hehe
@ron: panoorin mo. at yes..gudlak na lang talaga..;)
@coldman: versatile daw. chos!
@dazedblue: thanks!..;)
an sipag!
does that make you a a career woman? katulad ng sa romy and michelle's high school reunion, did you also invent post-it?
tanong: kilala ba banci ang aso duon sa blog ni gibo.. now i realize possibleng may kumarir sa kawawang aso..
Post a Comment