Ilang buwan pa lang sya nang ibigay sa amin ng isang Intsik na may mareklamong kapitbahay. Hindi ko alam ang breed nya pero who cares. Obviously she doesn’t.
Malambing sya. Nang minsang mawala kami ng lampas isang linggo sa bahay at naiwan sya sa ibang kamay, sumabog ihi nya pagkakita nya sa amin.
Nang ibinigay sya sa amin, maraming habilin ang huling may-ari sa kanya:
- Huwag pakainin ng buto ng manok. Busugin sa gulay at prutas.
- Paliguan minsan isang linggo at putulan ng kuko minsan isang buwan.
- Bigyan ng gamot para sa puso at para sa tapeworm. Wag kalimutang dalhin sa beterinaryo.
- Gamitan ng dog shampoo at dog powder.
- Gupitan ng buhok laluna kapag summer.
- May kasama syang kulungan pero wag nyo syang ikukulong.
Ibinigay din nya sa amin ang bag na ito
Ito ang gamit namin para maisakay sya sa bus, MTR at taxi. Dinadala namin sya sa beach, sa office at sa rally. Ang bakla-bakla ko pag bitbit ko sya dito.
Pansin ng isa kong kaibigan na ex-Hong Kong, mas pinahahalagahan daw ang aso dito kesa sa tao. Naalala ko tuloy yung isang kliyente na syang unang nagpaiyak sa akin. Yung kumakain kasama ng aso. Pag tumae ang aso, kailangan nya munang linisin bago sya bumalik sa pagkain.
Meron din akong nakitang aso na nakasuot ng winter clothes na galing Burberry at worth HK$2,000 daw ang isa.
*****
24 comments:
galing naman at sa inyo binigay. sosyal nga lang pala sa pagdating sa pagkain. hehehe...
cute naman ng dog. miss ko tuloy si daphne - my dapple dachshund. alagaan mo yan, puede ka rin mg breed nyan isang araw... mapagkakaitaan mo rin. hahaha.
The dog is cute. Pero honga, iba ang treatment nila sa pets jan. Siguro isa yun sa mga legacy ng Brits na namana ng mga Hong-Kongers.
'wag nyo pakakainin ng chocolates huh.
May punto nga ang kaibigan mo.
i missed my dog.. ganyang ganyan din siya. bawal ang chocolates. super.... and try to make sure na rich sa vitamins and minerals ang dog food... chak!
ang cute naman nung aso.
cute...
yan din ba ang kaibahan niyo?
ha ha...
joke lang po.
@dong: true. sobrang arte pa. minsan eh gusto pa sinusubuan.
@olan: hahaha. tama na ang isa.
@mugen: ewan ko ba sa mga hongkees na toh. magmamana rin lang eh hindi pa yung medyo maganda.
@mel: ay talaga?
@fiona: kureks
@mico: gusto mo me beta carotene pa eh.;)
@kris: mwahahaha. kaines to. hehe
Reminder lang, iwasan ang bawang at grapes. Bawal pala sa aso 'yun.
Yes ate, poisonous ang chocolates sa mga aso, according to Kuya Kim. Hihi
ang cuteee nung aso... at sosyal pa ha...
goodluck sa laban ng mga OFW jan sa HK at sana ay magtagumpay kayo... mahirap tanggapin ang katotohanan na mas pinahahalagahan pa ang mga aso kesa sa mga tao...
nakakahiya naman siguro kung nakikipag-agawan ka ng dog food kay banchi..
at nakakahiya kung ikaw ang maiiwan ng isang linggo, sumabog din ang ihi mo sa kabahayan.. eooww!
ahaha
--- --
tama ka, lumalabas nag social tone ng mga sinusulat mo, though hindi subtle this time pero very effective.
natawa ako sa comment ni kris jasper bwahahaha!
at napatunayan ko na mahal nga ni mel si Kuya Kim..he ehhe
ang cute ni banci, parang si aaron. chos!
ps o ayan, sinabi ko na ha.
so, ano ang punto? chos!
@empress: salamat sa paalala
@mel: sino bang kuya Kim toh at maraming alam sa aso? ;)
@mink: salamas! ;)
@dabo: mwahaha. hmp! hehe.
@gibo: leche ka. (ulet)
@lyka: mah at pah! .. chos!
Banci is sooo cute !!!! You should always take care of him! At least he will always love you too!
hindi pampered mga aso namin he he
pero marunong pala silang lumangoy nung bahain kami ng pagka taas taas
welcome sa animal landia hehehehe, aside from me, i have a dog too, shih tzuh, as in prehas lang siguro all rules in HK sa animals. minsan nga gusto ko nang kainin ang dog food. minsan din gusto na ring kainin nang dog ang ulam namen. one of these days, magpapalit at sasanid na kami sa isat isa. magasto ang vet. ang lintek na aso ko mahilig kumain nang toilet paper. ayun bumara sa kanya. cost? $425 sa vet. hmpt!
ang cute ng aso parang ako.. ahhihihi
open for business na ba?
hahaha..good one.love ur entries
kyut ng doggg. naalala ko aso kong si pepe. hay
mabuhay ka kaibigan :)
Post a Comment