Saturday, January 19, 2008

Sayang

Sya ang isa sa pinanghihinayangan ko.

Nakasama ko sa World Youth Forum sa Dakar, Senegal noong 2001. Smart, malambing at tingnan na lang sa picture. Isang Pranses.

Kainuman gabi-gabi. Kasamang tumatakas sa mga sessions para mag-yosi at mag-kwentuhan ng buhay nya sa France at India at ako naman ay sa Pilipinas at Hong Kong. Nagpapalitan ng kuro-kuro. Nag-e-espadahan ng ideya.

Niyaya nya akong mag-swimming pero hindi ako marunong lumangoy. Marunong naman daw syang sumagip.

Huling gabi ng forum ay niyaya nya akong matulog sa kwarto nya na nasa ibang hotel. Sa kwarto ko noon ay may kaibigan akong babae na galing US na doon ko pinatulog kahit bawal dahil wala syang perang pambayad sa accommodation. Iiwanan ko ba sya? Paano kung mahuli?

Sa huli, nanaig sa akin ang pangangailangan ng babae. Hanggang ngayon, nahihiwagahan pa rin ako kung ano ang nangyari.

(Natalisod ko ang mga huling pictures na ipinadala nya sa akin noong 2005. Huli naming sulatan ay 2006.)

14 comments:

Kiks Phulumulu said...

bakit ba naman kasi dumating pa ang babaeng yon.

kahit nakapagmerienda sena man lang...

gibo said...

di kaya lesbiana ka? o sya, huwag manghinayang, makipagsulatan muli.

Que? said...

kakairita... ang kwentong to... pakilala mo ako sa girl na yan at ng masampal. hehe

jericho said...

@kiks: itanong mo kay Colin. sugo nya yun... hehe
@gibo: naisip ko nga rin yan. pero mas fag hag pa siguro. naku, malay ko kung saang lupalop na sya ngayon.
@que?: na-realize ko na good "samaritanism" sucks sometimes.

wanderingcommuter said...

mahiwaga nga...

mahirap mag analyze sa mga ganitong sitwasyon. hahaha!

reyna elena said...

hey Aaron! shock ang lola reading your entry! hahaha! confused ang lola... as in DID YOU DO IT? IT WITH hmmm... well... sabi nga ni Gibo, lesbyana ka???

HAHAHAHA!!!

Thank you for stopping by! I might have to come back here. Tiga HK ka pala. Magkasama kayo ni Kiks?

Harlene said...

kaimberna ka s blog mong ito!..nku!..d ka nagmana samin ng ate ofel!...para ano pa at naging ceradoy ka?!?!?!?!?!..bwehehehe

cant_u_read said...

so kakainis you!

chivalry over carnal NEEDS?!?!

tse!

jericho said...

@wandering: don't try to analyze it. nalagas ang buhok ko dyan hehe
@reyna: i did it. not with the boy nor with the girl. nyak! yep, i know kiks. friends ever!
@len: i-publish ba pati apelyido.. mwahaha
@rye: it is more of charity rather than chivalry. feeling knight in shining something!

tonyo said...

ano ba yun?!

bakit hindi ka nagpunta dun sa hotel room ng pranses? bakit?

hotel naman yun at may certain level of safety para sa kaibigan mo.

tsk tsk tsk -- now you know what to do next time...

bananas said...

hm! Naunsa yot?
wahaahahahha....
soshal ka teh!!!
gwapo sya!






ano nga naman ba kaya ang pwedeng mangyari kung ang babaeng yon ay isinama mo sa kanyang kwarto?

jericho said...

@tonyo: korek... lesson learned albeit the hard way
@bananas: mas gwapo pa sya ngayon. as in. Ano ang mangyayari kung isinama ko yung girl sa kwarto nya? hmmm... malalaman ko kung straight sya! hehe

Philip said...

croissant na nga yung lumalapit, naging bato pa! hehehehe

hangeng said...

If you are interested in buying a designer handbag thomas sabo charm club anhänger
you’ll need to visit a retailer who sells them. thomas sabo engelsflügel
These are generally specialty boutiques. thomas sabo armband
Another venue for purchasing designer ladies handbags anhänger kette
is from online retailers. There are many websites angebote thomas sabo ohrschmuck
that sell brand name designer ladies handbags and will ship ohrringe creolen
them right to your door. This often affords the consumer angebote thomas sabo uhren
the biggest selection and it also allows a chance to Armband mit Anhänger
compare prices. It’s important to be careful when purchasing a quality thomas sabo shop
designer bag in this way because you’ll want to be wary of imitations.